MAKATI CITY - Tuwirang ipinahayag ni Dr. Thomas Jeffereson Hoban IV,
Professor of of Sociology and Food Science sa North Carolina State
University, na ang mga genetically-modified food ay walang
pagkakaiba sa pagkain na kinultura sa tradisyonal na paraan. Sa
Estados Unidos, sinusuri ang mga ipinamamahaging pagkain upang alamin kung
malinis ang pagkakahanda nito, at hindi kung paano pinatubo ang
pinag-anihang halaman.
Ayon pa sa kilalang advocate ng biotechnology bilang isang
iginagalang na sociologist, sa Estados Unidos, ang ikatlong bahagi
ng lawak ng mga lupang taniman ng iba't ibang uri ng halaman na
pinagkukunan ng pagkain ay mula sa binhing pinaunlad sa tulong ng genetic
engineering, at sa nakalipas na anim (6) na taon, ay walang napapaulat
na nagtamo ng kapinsalaang pangkalusugan dahils sa pagkain ng
genetically-modified food. Sa halip, ito ay nakatulong pang
maayos na mapangasiwaan ang kalusugan ng mga mamamayan, dahilan sa
nagawang sapat ang mga nutrient para sa pangangailangan ng mga
taong makakain nito.
Si Dr. Hoban ay nagsalita sa Seminar on Social Acceptance of
Biotechnology - Myths and Facts na ginanap sa Skytop Room ng Hotel
Intercontinental Manila dito noong nakaraang Huwebes ng umaga,
Setyembre 26, 2002, sa pagtataguyod ng SEAMEO SEARCA Biotechnology
Information Center (BIC), ng Biotechnology Coalition of the
Philippines, ng DOST-Philippine Council for Advanced Science and
Technology Research and Development, at ng United States Department
of Agriculture-Foreign Agriculture Service.
Nabanggit din ni Hoban na ang genetic engineering o genetic
modification ay bahagi na ng larangan ng siyensya at teknolohiya sa
produksyon ng pagkain, noon pa mang unang panahon, lamang, ito ay
karaniwang binabanggit na makabagong pamamaraang natuklasan sa panahong
nabubuhay ang nag-aaral at nananaliksik na siyentista, at tila kalakaran
ding ito ay hindi kaagad matanggap ng mga bumabalangkas ng mga pambansang
layunin sa panahong ito ay matuklasan. Tulad ng napansin ni Galileo
sa kalalagayan ng daigdig, na bumilang ng maraming taon bago natanggap
upang ang kamalayan ay makatulong sa pag-aaral sa kalawakan na
malaki ang naitulong para mapag-aralan ang panahon, na tulong para
magtagumpayand industriya ng agrikultura; at maging ang paggawang matagal
bago masira ang gatas o pasteurization na natuklasan ni Louie
Pasteur ay tumagal ng 35 taon bago ito natanggap ng mga policy
maker sa France, na nagpasigla sa milk industry ng
daigdig.
Ang pagtutol sa mga "makabagong teknolohiya" ay isang
kalakaran sa lahat ng panahon ayon kay Hoban, spagkat maraming
hindikaagad makitang higit ang matatamong pakinabang, kaysa sa panganib na
maidudulot nito, o hindi nila makuro ang benefit/risk factor na
kaakibat ng lahat ng bagay. Kalimitan pang ang mga tumutol ay mga
pulitiko o tagapagtaguyod ng simulaing ideolohikal na wala namang
maka-agham na batayan sa ginagawang pagtutol.
Walang ganap na ligtas na buhay na ito ayon kay Hoban na nagpahayag na
siya ay isang Kristyano, sapagkat ang simpleng pagpatay ng ilaw na de-koryente
ay may bantang panganib, gayon din ang pagmamaneho ng sasakyan, subalit
ang lahat ay patuloy na nagpapatay ng ilaw, at nagmamaneho ng sasakyan
patungosa kanilang gawain. Ito ang katulad ng biotechnology,
hindi ganap, subalit malaki ang maitutulong upang maging matatag ang
sangkatauhan. |